Ang Bagong Magandang Balita Biblia

Ang Banal na Kasulatan

Levitico 13

Batas tungkol sa ketongin

 

   1 Sinabi ni Yawe kina Moises at Aaron: “Sinumang may bukol, si­ngaw o bahid sa balat ng kanyang katawan na maaaring mauwi sa ketong ay kailangang dalhin kay Aarong pari o sa isa sa mga paring inapo niya. Titingnan ng pari ang sugat, at kung namuti ang balahibo sa singaw, at ang singaw ay parang mas malalim kaysa balat, simula na nga iyon ng ketong. Kapag nakita ito ng pari, ipahahayag niyang di-malinis ang tao.

 

Ngunit kung maputi ang singaw at hindi naman mas malalim kaysa balat, at hindi rin namuti ang balahibo rito, ibubukod ng pari ang maysakit sa loob ng pitong araw. Titing­nan siyang muli ng pari sa ikapitong araw. Kung makita niyang walang pag­babago ang sugat at hindi kumalat sa balat, muli niyang ibubukod ang maysakit nang pitong araw pa, at titingnang muli sa ikapitong araw. Kapag hindi ma-kintab ang sugat at hindi kumalat sa balat, ipahahayag ng pari na malinis ang tao: singaw lamang ito. Lalabhan niya ang kanyang damit at lilinis na siya. Ngunit kung kumalat sa balat ang singaw matapos tingnan ng pari ang may­sakit at ipahayag na malinis, kailangan siyang humarap uli sa pari. Pagka­tapos siyang ma­ting­nan ng pari at makitang kuma­lat nga ang singaw sa balat, dapat siyang ipahayag ng pari na di-malinis: ketong iyon.

 

Kapag nagkaketong ang isang tao, kaila­ngan siyang dalhin sa pari 10 na siyang dapat tumingin sa kanya, at kung makakita ang pari ng maputing bukol sa balat at pina­puti nito ang balahibo rito, at may lumilitaw na sariwang sugat, 11 ketong iyon at dapat siyang ipahayag ng pari na di-malinis. Walang kabuluhang ibu­kod pa siya; di-malinis na siya.

 

12 Ngunit kapag kumalat na sa buong balat ang ketong, kapag balot na siya ng ketong mula ulo hanggang paa, ayon sa nakikita ng pari, 13 titingnan ng pari ang maysakit, at kung makita niyang balot na ng ketong ang buong katawan, ipahahayag niyang malinis ang may­sakit. Sapagkat namuti na itong lahat, malinis na siya. 14 Ngunit kapag may lumitaw na sari­wang sugat, magiging di-malinis siya. 15 Pagka­tingin ng pari sa sariwang sugat, ipahahayag siyang di-malinis. Di-malinis ang sariwang sugat: ketong iyon. 16 Ngunit kung magbago ang sugat at muling mamuti, kailangan siyang bumalik sa pari. 17 Titingnan siya ng pari, at kung makita nitong namuti na ang sugat, ipahahayag ng pari na malinis ang maysakit: malinis na siya.

 

18 Kapag may nagkasingaw sa kanyang balat, at matapos gumaling 19 ay nag-iwan ng ma­­puting pamamaga o makintab na mant­sang mamula-mulang mamuti-muti, kailangang mag­pa­tingin siya sa pari. 20 Titingnan siya ng pari, at kung makita nito na mas malalim ito kaysa balat at namuti ang balahibo rito, ipahahayag siyang di-malinis ng pari: ketong iyon na nagmula sa singaw. 21 Ngunit kung makita ng pari na walang puting balahibo o hindi ito mas malalim kaysa balat at hindi nagbago ng kulay, ibubukod niya ang maysakit nang pitong araw. 22 Kung kalat na ito sa kabuuan ng balat, ipahahayag siya ng pari na di-malinis: ketong iyon.

 

23 Ngunit kung ang nangingintab na bahagi ay hindi nagbabago at hindi kuma­kalat, pilat lamang iyon ng singaw at ipaha­hayag ng pari na malinis ang taong iyon.

 

24 Kapag napaso ang isang tao at nagka­roon ng bahid na puti o pula ang paso, 25 kaila­ngang tingnan iyon ng pari. Kung makita niyang namuti ang balahibo sa bahaging iyon, at mas malalim kaysa balat, ketong iyon na nagsimula sa paso. Ipaha­hayag ng pari na di-malinis ang tao: ketong iyon. 26 Ngunit kung matapos ting­nan ay makita ng pari na walang puting balahibo sa bahaging iyon at hindi mas malalim kaysa balat, ngunit hindi nagbago ang kulay, ibubukod siya ng pari sa loob ng pitong araw. 27 Sa ika­pitong araw, titingnan siyang muli ng pari, at kung kumalat iyon sa balat, ipaha­hayag ng pari na siya ay di-malinis: ketong iyon. 28 Kung hindi nagbabago at hindi kumakalat sa balat ang ba­haging ma­kintab, ngunit nagbago ang kulay, pamamaga lamang iyon bunga ng paso. Ipa­ha­hayag ng pari na malinis ang tao, pilat lamang iyon sa paso.

 

29 Kung ang isang lalaki o babae ay mag­karoon ng sugat sa ulo o sa baba, 30 kaila­ngang tingnan ng pari ang sugat, at kung ito’y waring mas malalim kaysa balat, at nanilaw at numipis ang buhok doon, ipahahayag siyang di-malinis ng pari. Iyon ang kinatatakutang sakit sa balat, ang ibig sabihi’y ketong sa ulo o baba. 31 Kung makita naman ng pari sa pagtingin niya sa sakit sa balat na hindi mas malalim kaysa balat at walang itim na balahibo, pitong araw niyang ibubukod ang tao. 32 Sa ikapitong araw, titingnan uli ng pari ang sugat, at kung hindi kumalat ang sakit sa balat, at hindi nanilaw ang balahibo roon, at hindi mas malalim kaysa balat, 33 aahi­tin ng maysakit ang lahat niyang buhok, ma­liban sa nasa bahaging may galis (sakit sa balat), at muli siyang ibubukod ng pari sa loob ng pitong araw. 34 At sa ikapitong araw, titingnan ng pari ang galis, at kung hindi naman kumalat sa balat ang galis, at hindi mas malalim kaysa balat, ipahahayag ng pari na malinis ang may­sakit. Magiging malinis siya pagkatapos malab­han ang kanyang suot. 35 Ngunit kung kumalat ang galis pagkatapos ng kanyang paglilinis, 36 titingnan siya ng pari; at kung kumalat nga sa balat ang galis, hindi na kailangang tingnan pa kung nanilaw ang balahibo rito o hindi – di-ma­linis ang taong iyon. 37 Sa­mantala, kung sa tingin ng pari ay hindi iyon kumalat at nagsi­simula iyong tubuan ng itim na balahibo, maga­ling na ang galis. Malinis na siya at ipahahayag ng pari na siya ay malinis.

 

38 Kung magkabatik na puti ang isang lalaki o babae sa kanyang balat, 39 kaila­ngang tingnan iyon ng pari. Kung makita niyang hindi mas­yadong maputi ang mga iyon, karaniwang pantal lamang iyon sa balat: malinis ang may­sakit.

 

40 Kung malugas ang buhok sa ulo ng isang lalaki, nakalbo lamang siya, ngunit malinis siya. 41 Kung malugas naman ang kanyang buhok sa may noo, nakakalbo lamang siya sa noo, ngunit malinis siya. 42 Subalit kung may lumitaw na mamula-mulang maputing sugat sa kanyang ulo o noong walang buhok, simula iyon ng ketong. 43 Kailangang tingnan iyon ng pari, at kung may namamagang sugat na mamula-mulang mamuti-muti sa kanyang ulo o noong walang buhok, tulad ng ketong sa balat, 44 may ketong ang tao: di-malinis siya. Ipa­hahayag ng pari na siya ay di-malinis; may ketong siya sa ulo.

 

Ang ketongin

 

45 Ang taong may ketong ay kailangang magsuot ng winarak na damit at hindi dapat magsuklay ng buhok; kailangang takpan niya ang kanyang nguso at sumigaw – Di-malinis, di-malinis! – 46 siya’y di-malinis hangga’t may sugat siya, kaya kailangan siyang mamuhay nang malayo sa iba: titira siya sa labas ng kampo.

 

47 Kapag nagkasugat ng ketong ang isang damit na lana o linen, 48 telang lana o linen, o katad – 49 at kung ang damit, tela o katad o anumang yari sa katad ay maberde-berde o mamula-mula, iyon ay kumakalat na sugat ng ketong na kailangang ipakita sa pari. 50 Titingnan iyon ng pari at itatabi niya sa loob ng pitong araw ang bagay na may sugat ng ketong. 51 Kung makita niya sa ikapitong araw na ku­ma­lat na sa damit, tela o katad ang sugat ng ketong, iyon ay ketong na lumalala, at di-malinis ang bagay na iyon. 52 Susunugin ng pari ang damit, telang linen o lana, o anumang yari sa katad na kinalatan ng sugat ng ketong pagkat ito’y ketong na dapat sunugin sa apoy.

 

53 Ngunit kung makita ng pari sa kanyang pagtingin na hindi kumalat ang sugat ng ketong sa damit, tela o anumang bagay na katad, 54 iuutos niyang hugasan ang bagay na iyon at itatabing muli sa loob ng pitong araw. 55 Pagka­tapos mahugasan, muli iyong titingnan ng pari, at kung makita niyang hindi nagbago ng kulay ang sugat ng ketong kahit na hindi kumalat, di-malinis ang bagay na iyon. Kailangang sunugin iyon sa apoy. 56 Ngunit kung makita ng pari sa kanyang pag­tingin na di makintab ang sugat ng ketong pagkatapos mahugasan, pupunitin niya iyon sa damit, tela o katad. 57 Subalit kung muli itong lumitaw sa damit o tela o anumang bagay na katad, muli itong kuma­kalat at kailangang sunugin ng may-ari ang bagay na may sugat ng ketong. 58 Ang damit, tela o anumang bagay na katad na nagka­roon ng sugat ng ketong ngunit nawala matapos labhan ay kailangang labhan uli at magiging malinis na iyon. 59 Ito ang batas para sa sugat ng ketong sa damit na linen o lana, sa tela o anumang bagay na katad – para masabi kung ito ay malinis o di-malinis.

June 9, 2007 - Posted by | Biblia ng Sambayanang Pilipino, Leviticus, Lumang Tipan

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: