Ang Bagong Magandang Balita Biblia

Ang Banal na Kasulatan

Daniel 14

Si Daniel at ang mga pari ni Bel
    1 Sa pagyao ni Haring Astyages sa pi­ling ng kanyang mga ninuno, lumuklok sa trono ang Persang si Ciro. Naging matalik na kaibigan ng hari si Daniel at higit siya nitong pinagkatiwalaan sa lahat.

 

May rebultong nagngangalang Bel ang mga taga-Babilonia na hinahandugan nila araw-araw ng labindalawang takal ng pinong harina, apat­napung tupa, at anim na takal ng alak. 4 Nakiki­sali sa kultong ito ang hari na suma­samba sa diyus-diyusan araw-araw. Sa kabilang dako, ang tanging sinasamba ni Daniel ay ang kanyang Diyos. 5 At itinanong sa kanya ng hari: “Bakit ayaw mong sumamba kay Bel?”

 

Tumugon si Daniel: “Wala akong si­na­­sambang diyus-diyusang ginawa ng tao. Ang buhay na Diyos na gumawa ng langit at lupa at namamahala sa buong sang­katauhan ang tanging sinasamba ko.” 6 Nagtanong ang hari: “Akala mo ba, hindi buhay na diyos si Bel? Hindi mo ba na­kikita na kumakain siya at umi­inom araw-araw?”

 

Nagtawa si David at sinabi niya: “Hu­wag kang padaya, mahal na hari, luwad lamang ang loob ng rebultong ito at tanso ang labas. Hindi ito kuma­kain o umiinom ng anuman.”

 

Nagalit ang hari at ipinatawag ang kanyang mga pari. Aniya sa mga ito: “Pag hindi ninyo ipinagtapat sa akin kung sino ang umuubos sa lahat ng han­­dog na ito, mamamatay kayong la­hat. 9 Ngunit kung maipakikita ninyo na si Bel ang umuubos ng lahat ng ito, si Daniel ang mamamatay dahil sa kanyang kalapastanganan .”

 

At sinabi ni Daniel sa hari: “Matupad nawa ang sinabi mo.”

 

10 May pitumpung pari si Bel, bukod pa sa kanilang mga asawa at anak. Kasama si Daniel, nagtungo ang hari sa templo ni Bel. 11 Sinabi ng mga pari sa hari: “Lala­bas kami at iiwan ka namin dito upang maghanda ng pagkain at alak. Kapag nai­handa iyon, iwan na ninyo rito, sarhan ninyo ang pinto, at tatakan mo po, mahal na hari, ng iyong singsing. 12 Magbalik ka rito sa umaga, at kapag nakita mong hindi kinain ni Bel ang pagkain at hindi ini­nom ang alak, dapat kaming mama­­tay. Ngunit kapag kabaligtaran niyon ang nangyari, dapat mamatay si Daniel na nanirang-puri sa amin.

 

13 Malaki ang kanilang tiwala sapag­kat gumawa sila ng lihim na daanan sa ilalim ng mesa; doon sila nagdaraan sa pagpa­sok kapag kinakain nila at ini­inom nang palihim ang mga handog. 14 Nang maka­labas ang mga pari, naghanda ang hari ng alay na inilagay sa harapan ni Bel. Inu­tusan naman ni Daniel ang kanyang mga katulong na magkalat ng abo sa lahat ng sahig ng templo. At umalis na sila matapos sar­han ang pinto at tatakan ng sing­sing ng hari. 15 Nang gabing iyon, puma­sok sa templo ang mga pari gaya ng dati at ang kani-kanilang asawa at mga anak at kinain nila at ininom ang mga handog.

 

16 Maagang-maaga kinabukasan, gu­mi­sing ang hari pati si Daniel. 17 Nag­balik sa templo ang hari kasama si Daniel. “Sira ba ang mga tatak sa pinto, Daniel?” tanong ng hari, at suma­­got si Daniel: “Hindi.” 18 Binuksan ng hari ang pinto, at tiningnan ang mesang kinapapatungan ng mga handog na pag­­kain at inumin. “Tunay kang dakila, O Bel!” bulalas ng hari. “Hindi ka nandaraya.”

 

19 Tumawa si Daniel at pinigil muna niya sa pagpasok ang hari. “Ngunit ting­nan mo ang sahig,” aniya, “at ka­nino ang mga bakas na ito ng paa.”

 

20 “Mga bakas ito ng paa ng mga lalaki, mga babae, at mga bata,” tugon ng hari. 21 Sa galit niya, ipinadakip ang mga pari at ang kani-kanilang asawa’t mga anak. Napilitang ipakita ng mga ito ang lihim na lagusang dinaraanan nila kapag kinakain na nila ang mga handog na nakapatong sa mesa. 22 Ipi­napatay sila ng hari, at ipinaubaya nito si Bel kay Daniel. Sinira ni Daniel ang rebulto ng diyus-diyusan at ipinagiba ang templo nito.

 

Si Daniel at ang dragon

 

23 May isang malaking dragon sa Babi­lonia na sinasamba rin. 24 “Masdan mo at buhay ito,” sabi ng hari kay Daniel. “Hindi ito yari sa tanso. Itatanggi mo ba na ito ay isang diyos na buhay? Sambahin mo ito.”

 

25 Tumugon si Daniel: “Wala akong sa­sam­bahing sinuman liban sa Panginoong aking Diyos, pagkat siya lamang ang Diyos na buhay. 26 Kung ipahihintulot mo, mahal na hari, papa­tayin ko ang dragong ito nang wala akong gina­gamit na tabak o pamalo.” Tumu­gon ang hari: “Pinahihintulutan kita.”

 

26 Kumuha si Daniel ng alkitran, taba at bu­hok, at magkakasamang pinakuluan ang mga iyon. Pagkatapos, kinipil niyang parang bi­bingka at saka ipinakain sa dragon. Pagka­kain, sumabog ang katawan ng dragon. 27 Sabi ni Daniel sa hari: “Masdan mo ang nang­yari sa iyong sinasamba.”

 

28 Nagalit ang mga taga-Babilonia nang ma­balitaan iyon. “Naging Judio ang ating hari,” usap-usapan nila. “Winasak niya si Bel, pinatay ang dragon, at hinatulan ng kamatayan ang mga pari.” 29 Nagtungo sila sa hari at ang sabi: “Ibigay mo sa amin si Daniel. Kung hindi’y pa­­-patayin ka namin at ang iyong pamilya.” 30 Na­pilitan ang hari na ipaubaya si Daniel sa mga tao.

 

31 Inihagis si Daniel sa kulungan ng mga leon, at namalagi siya roon nang anim na araw. 32 May pitong leong pinakakain araw-araw sa loob ng kulungan ng dalawang kata­wan ng tao at dala­wang tupa. Ngunit wala nang ibinigay sa mga leon upang matiyak na kakanin nila si Daniel.

 

33 May isang propetang nagngangalang Haba­kuk sa Judea. Nakapaglagay na siya ng pagkain sa basket at palakad na upang dal­hin iyon sa mga gumagapas sa bukid 34 nang du­mating ang isang anghel ng Pangi­noon at sabihin sa kanya: “Dalhin mo ang pagkaing iyan kay Daniel na nasa kulungan ng mga leon sa Babilonia.”

 

35 Sumagot si Habakuk: “Hindi pa po ako na­kakapunta sa Babilonia at hindi pa rin ako nakakakita ng kulungan ng leon.” 36 Kinuha siya ng anghel sa ulo at hawak ang buhok na inilipad sa Babilonia na parang isang mala­kas na hangin at bumaba siya sa taluktok ng kulu­ngan ng mga leon. 37 “Daniel, Daniel,” kaagad ay sigaw ni Habakuk, “kunin mo ang pagkaing padala ng Diyos sa iyo.”

 

38 Nagpasalamat si Daniel sa Diyos, at ang sabi: “Inalaala mo ako, O Diyos, at hindi mo pinabayaan ang nagmamahal sa iyo.” 39 Ku­main si Daniel, at ibinalik ng anghel ng Pangi­noon si Habakuk sa sariling lugar nito.

 

40 Nang ikapitong araw, nagtungo ang hari sa kulungan ng mga leon upang iyakan si Daniel. Tumingin siya sa loob at nakita niyang nakaupo roon si Daniel. 41 Sumigaw nang malakas ang hari: “Kay dakila mo, O Panginoong Diyos ni Daniel! Tunay na wala nang iba pang Diyos liban sa iyo!” 42 Ipina­kuha niya si Daniel sa loob ng kulungan at doon ipinahagis ang nagsipag­ha­ngad na ipahamak si Daniel. At kaagad sinag­pang ng mga leon ang mga ito sa paningin ng hari.

June 4, 2007 - Posted by | Biblia ng Sambayanang Pilipino, Daniel, Lumang Tipan

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: