Ang Bagong Magandang Balita Biblia

Ang Banal na Kasulatan

Bakit hindi lahat ng biblia ay may pare-parehong mga aklat?

Bakit hindi lahat ng biblia ay may pare-parehong mga aklat?

 

Noong panahon ni Jesus, walang Judiong nagduda na ang mga aklat ni Moises at ng Mga Propeta ay salita ng Diyos. Sa paglipas ng panahon, malugod na tinanggap ang ibang mga aklat na tinatawag na Mga Sinulat o Mga Aklat ng Karunungan at idinagdag ang mga ito sa mga unang aklat. Ngunit hindi nilinaw kung anong antas ng awtoridad ang dapat  ibigay sa mga ito.

 

Ang ilan sa mga aklat na ito ay sinulat hindi sa wikang Hebreo kundi sa Griyego, ang wikang ginagamit sa maraming bansa. Kaya mas marami ang mga aklat sa bibliang Griyego na ginamit ng mga Judio sa labas ng Palestina pati na sa maraming simbahang Palestino.

 

Pagkatapos lamang ni Jesus – at pagkawasak sa Jerusalem ng mga Romano saka ang mga Pariseo, sa taong 95, ay nagtawag ng konseho sa Jamnia, upang muling itatag ang komunidad ng mga Judio. Noon nila itinatag nang may katiyakan ang canon, na siyang pamantayan ng bibliang Judio. Bagamat tinanggap nila ang ilan sa mga mas bagong aklat, halimbawa’y iyong kay Daniel, sadya nilang di isinali ang lahat ng nasusulat sa Griyego.

 

Samantala, ginamit naman ng Iglesya ang bibliang Griyego tulad ng ginawa ng mga apostol, at ang inalala lamang nila ay kung ano ang dapat isama sa Bagong Tipan.

 

Sa taong 384, sa wakas, binigyang-katiyakan ng tinatawag na Dekreto Damasco ang canon ng bibliang Kristiyano at tinanggap ang ilang aklat na nasa bibliang Griyego na tinaggihan na ng mga Judio sa Jamnia, sa kabila ng opinyon ng minorya na naglagay sa mga ito sa mas mababang ranggo. Ang mga aklat na ito ay tinatawag na deuterocanonica, ibig sabihi’y mga aklat ng ikalawang pamantayan.

 

Nang lisanin ng mga Protestante ang Iglesya, pagkatapos ng labindalawang dantaon, hindi nila naisipan pang punahin ang pamantayan ng Bagong Tipan ngunit hindi sila magkasundo sa mga aklat na deuterocanonical, kaya minabuti nilang huwag nang isali ang mga ito. Tinawag nila ang mga itong apocrypha, ibig sabihi’y di-tunay. Ngunit hanggang sa ikalabing-siyam na siglo, karaniwa’y inilimbag nila ang mga ito sa kanilang biblia. Pagkatapos, lubusan nang di isinali ang mga ito.

 

Ang mga aklat na deuterocanonical ay:

 

1 at 2 Macabeo                              Baruc               Karunungan ni Solomon

 

Kabanata 13-14 ng Daniel            Tobit                Sirac

 

Kabanata 11-16 ng Ester              Judit

 

Lahat ng modernong mga pag-aaral ng biblia ay nagpapakita sa kahalagahan nitong mga aklat na deuterocanonical bilang tagapag-ugnay ng mga Hebreong aklat ng Matandang Tipan at ng nasa wikang Griyego na bumubuo ng Bagong Tipan.

 

Bigyang-pansin na ang tanging paraan para malaman kung alin ang mga sagradong aklat at kung alin ang hindi dapat isali sa Bibia ay komunsulta sa desisyon ng Iglesya. Ang mga tumutuligsa ngayon sa Iglesya sa ngalan ng Biblia ay hindi makakaalam kung saan matatagpuan ang salita ng Diyos kung hindi ito ipinahayag ng Iglesya.

June 4, 2007 - Posted by | Biblia ng Sambayanang Pilipino, Commentary, Lumang Tipan

1 Comment »

  1. […] Bakit Hindi Lahat ng Biblia ay may Pare-rehong Aklat […]

    Pingback by Komentaryo « Ang Bagong Magandang Balita Biblia | June 4, 2007


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: