Ang Bagong Magandang Balita Biblia

Ang Banal na Kasulatan

Genesis 43

(Pangalawang pagpunta sa Ehipto)
1 Palubha pa rin nang palubha ang kakulangan ng pagkain sa lupain.

2 At nang maubos na nila ang trigong uwi nila mula sa Ehipto, sinabi sa kanila ng kanilang ama: “Bumalik kayo at ibili kami ng kaunting maka­kain.”

3 Ngunit sinabi ni Juda: “Mahig­pit ang babala sa amin ng lalaki na kaila­ngang isama namin ang aming kapatid.

4 Kung pasasamahin ninyo sa amin ang aming kapatid, babalik kami para ibili kayo ng pagkain,

5 ngunit kung hindi’y hindi kami babalik sapagkat sinabi ng lalaki na – Hindi kayo makahaharap sa akin kung hindi ninyo kasama ang inyong kapatid.”

6 Kaya sinabi ni Israel: “Bakit ninyo ako binigyan ng gani­tong proble­ma sa pagsasabi sa lalaki na may isa pa ka­yong kapatid?”

At suma­got sila: “Ma­ingat kaming inimbestiga ng lalaki at tinanong tungkol sa aming sarili at mga kaanak – Buhay pa ba ang inyong ama? May iba pa ba kayong kapatid? – at sinagot lamang namin ang kanyang mga tanong. Alam ba naming iuutos niyang dalhin sa kanya ang aming ka­patid?”

8 At sinabi ni Juda sa kanyang amang si Jacob: “Pasamahin ninyo sa akin ang bata, at nang makalakad kami agad upang kami, kayo at ang aming mga anak ay mabuhay at hindi mamatay.

9 Pana­nagutan ko ang kan­yang kaligtasan. Ka­pag hindi ko siya naibalik at naiharap sa inyo rito, tatanggapin ko ang bigat ng ka­salanan habang pana­hon.

10 Kung hindi tayo nagbantulot nang napakatagal, dala­wang ulit na sana ka­ming nakapunta roon at nakabalik dito.”

11 Sinabi naman sa kanila ni Israel na kanilang ama: “Kung kailangang mang­yari ang gayon, ganito ang inyong ga­win: magdala kayo sa in­yong mga sako ng mga piling produkto ng lupain at iregalo sa lalaki – kaunting bal­samo at pulot-pukyutan, almond at pistachio.

12 At doblehin ninyo ang dalang pera dahil dapat ninyong isauli ang sala­ping nakita ninyo sa inyong mga sako; baka nagkamali lamang sila.

13 Isama ninyo ang inyong kapatid at bumalik kayo sa lalaki.

14 Loobin nawa ng Diyos ng Kataas-taasan na kahaba­gan kayo ng lalaki para pauwiin niyang ka­sama ninyo ang isa pa ninyong ka­pa­tid at si Benjamin. At tungkol sa aking sa­rili, kung dapat akong ma­wa­lan ng mga anak, sige, mawalan ako ng mga ito.”

15 Kinuha ng magkakapatid ang mga regalo at dinoble ang dalang pera. At isinama nila si Benjamin at lumakad pa­puntang Ehipto at humarap kay Jose.

16 Nang makita ni Jose na kasa­ma na nila si Benjamin, sinabi niya sa kanyang mayordomo: “Dalhin mo ang mga taong ito sa bahay ko. Magkatay ng hayop at mag­handa ng pagkain, sapag­kat makikisalo sa akin sa tang­ha­lian ang mga taong ito.”

17 Ginawa ng mayordomo ang ini­utos ni Jose at dinala ang magka­kapatid sa bahay ni Jose.

18 Natakot ang magka­kapatid nang dalhin sila sa bahay ni Jose at nag-usap-usap sila: “Dinala ta­yo rito dahil sa perang isina­uli sa ating mga sako nang pumarito tayo noon. Ibig niyang makaganti at malupig tayo upang gawin tayong alipin at agawin ang ating mga asno.”

19 Kaya nilapitan nila ang mayordomo ni Jose at kinausap iyon sa may pin­tuan ng bahay:

20 “Ipagpatawad ninyo, ginoo, pumarito kami noon para bumili ng trigo,

21 ngu­nit nang maka­rating kami sa isang ma­tutuluyan, binuksan namin ang aming mga sako at nakita namin sa bungad ng sako ang perang bawat isa sa amin na hindi naga­galaw. Dala namin iyon ngayon para ibalik

22 at may dala pa rin kami para bumili pa ng pagkain. Hindi namin alam kung sino ang naglagay ng salapi sa aming mga sako.”

23 Si­nabi ng mayor­domo: “Huwag ka­yong mabahala, huwag kayong mata­kot. Ang in­yong Diyos, ang Diyos ng inyong ama ang naglagay ng kaya­manan sa inyong mga sako. Natanggap ko ang inyong salapi.” At iniharap niya sa kanila si Simeon.

24 Pinapasok ng mayordomo ang mag­­­­ka­kapatid sa bahay ni Jose, binig­yan sila ng tubig para mahugasan ang kanilang mga paa at ng damo para sa kanilang mga asno.

25 Inihanda nila ang kanilang regalo at hinintay ang pagda­ting ni Jose sa katanghalian sapagkat nalaman nilang doon sila mananang­halian.

26 Nang du­mating si Jose sa ba­hay, inihandog nila ang mga regalong dala nila at yumuko sa lupa.

27 Kinu­musta sila ni Jose at sinabi: “Mabuti ba ang lagay ng matanda nin­yongama na ibinalita ninyo noon? Buhay pa ba siya?”

28 At sumagot sila: “Mabuti naman ang inyong lingkod, ang aming ama, at bu­hay pa.” At yumuko sila sa lupa.

29 Tumunghay siya at nakita ang kan­yang kapatid na si Benjamin na anak ng kanyang ina, at sinabi: “Ito ba ang in­yong bunsong kapatid na ibina­lita nin­yo noon sa akin?” At kanyang idi­nugtong: “Pag­palain ka ng Diyos, anak ko.”

30 Gayon na lamang ang naging damdamin ni Jose nang makita ang kan­yang kapatid kaya mabilis siyang lumabas at umiyak sa kanyang silid.

31 Matapos siyang maghi­lamos at mu­ling lumabas, na sinusupil ang dam­damin, sinabi niya: “Ihain na ang tang­ha­lian.”

32 Ipinaghaing bukod si Jose, ga­yun­din ang magkakapatid at naka­bu­kod din ang mga Ehipsiyo sapagkat hindi maaaring sumalo ang mga Ehipsiyo sa mga Hebreo – isang malaking kahihiyan ang gayon sa mga Ehipsiyo.

33 Pinaupo ang magkakapatid na ka­harap ni Jose ayon sa kanilang edad, mula sa pinakapanganay hanggang pinakabunso. At nagkatinginan sila nang buong pagtataka.

34 Nang ihain kay Jose ang lahat ng pagkain, ikinuha niya ang kanyang mga kapatid at ipinasilbi ito sa kanila. At limang ibayo ang dami ng ibinigay kay Benjamin kaysa kanyang mga kapatid. At nakipag-inuman sila sa kanya at nagsaya.

Advertisements

May 24, 2007 - Posted by | Biblia, Biblia ng Sambayanang Pilipino, Genesis, Lumang Tipan

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: